Sa bahaging ito inihahanda ang mag-aaral sa pagtalakay sa aralin sa pamamagitan ng mga katanungan na pupukaw sa interes sa pag-aaral, nagsisilbi rin itong pagganyak sa aralin. Dagdag kaalaman at impormasyon ang hatid ng bahaging ito ng aklat upang mas lalo pang maging kawili-wili ang pagtalakay sa mga paksang aralin. Nakapaloob sa bahaging ito ang mga pagtatayang sumusukat sa natutunang konsepto ng mga mag-aaral sa bawat aralin. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapayaman ng kasanayan ng mga mag-aaral.