Walang katapusan ang pagbaybay sa pagkatuto ng tao habang nabubuhay. Dakilang layunin ng Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan na ipaunawa sa inyong lumalampas ang pagkatuto sa mga hangganan ng paaralan. Gayunpaman, magsisilbing sandata ang mga aralin at kasanayang matutuhan sa aklat na ito upang holistiko at mas matalas na unawain, suriin, at yakapin ang kabuuan ng inyong sarili bilang bahagi ng lipunang kinabibilangan. Sa pamamagitan ng mga aralin sa wika, kultura, at panitikan, inaasahang magiging epektibo at makabuluhan ang inyong pagpapahayag at pagsusuri sa mga tekstong naayon sa iba't ibang konteksto. Ang angkop at manpuring gamit ng wika, kung dadagdagan pa ng malawak na kaalaman sa panitikang pumpaksa sa iba't ibang karanasan ay tiyak na makatutulong sa inyong patuloy na pagbaybay sa buhay.
Naglalaman ang Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan ng mga napapanahon at makabuluhang paksa sa wika, kultura, at lipunang Pilipino. Tatalakayin din ang iba't ibang genre gaya ng maikling kuwento, tula, talumpati, sanaysay, nobela, at panitikang popular upang mailapat ninyo ang komunikatibong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, panonood, pagbasa, at pagsulat.
- Teacher: Aaron Manuel